Advertisers

Advertisers

ITULOY LANG ANG LABAN SA MGA KOMUNISTANG-TERORISTA

0 229

Advertisers

NITONG nakaraang linggo isang dating ‘collector’ at logistics officer ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko at ibinigay ang sarili sa Bulacan police partikular sa bayan ng Bocaue.

Dala dala ng animnaput- pitong (67 yrs.old) taon gulang na si “Ka Alfie”, mangingisda, at umaming organizer, collector, at logistician ng CPP-NPA, ang isang .45-caliber pistol na loaded pa ng pitong bala at isang .22-caliber revolver na may laman na apat na bala.

Bakit ko naikwento ito? Ito kasi ang bunga ng patuloy nating pakikipaglaban sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Simula nang ang Administrasyong Duterte ay isinulong ang ‘whole-of-nation approach’ at itinatag ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) dumami na ang sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan.



Dahil di lamang sa armadong pakikipaglaban ang diskarte ng NTF-ELCAC, may mga programa itong makakapagbigay ng magandang kabuhayan sa mga magsisisukong rebelde. Hindi nga ba? Ang isinisigaw ng mga ito ay kahirapan, kaya sila ay nakikipaglaban sa pamahalaan, at lampas limang dekada na nila ginagawa ito.

Sa katunayan, sa ilalim ng Amnesty Cluster Task Force Balik Loob, mula July 2016 hanggang July 2022, mayroon ng 29,340 rebelde ang mga nagsisuko. Mahigit pitong libo rito ay mga regular na NPA fighters. Ang iba ay mga Abu Sayyaf Group at Maute atbp., mga extremists na tinatawag, samantalang ang bulto ng bilang ay mga sumusuporta o nakikisimpatya sa mga komunistang-terorista.



Pero napagbago ng pamahalaan ang kani-kanilang buhay dahil nga sa mga programang pangkabuhayan na ibinigay ng pamahalaan sa kanila.

Nariyan ang Cooperative Development Authority na nagbibigay ng tulong at pagsasanay para mapatakbo ang isang kooperatiba. 6,440 rebelde na ang naasistehan nito at labing-pitong kooperatiba na ang nabuo ng mga dating rebelde.



Maging ang Land Bank of the Philippines ay tumutulong din. Nagbibigay ito ng pautang na umaabot sa limang daang libong (P500,000) piso para panimulang puhunan.

Saan ka pa? Di ba talagang makakapag-isip ang isang rebelde na sigaw ng sigaw ng kahirapan kaya humawak ng armas at lumaban sa pamahalaan, ang talagang magbabalik-loob dahil sa mga tulong na ganito na ibinigay ng pamahalaan.

Tuloy-tuloy na natin ang nasimulang ito, upang masaksihan pa ang tuloy-tuloy na pagsuko ng mga komunistang-terorista.