Advertisers

Advertisers

Maris obyus ang sobrang pagkainlab kay Rico, nagtitili sa concert

0 259

Advertisers

Ni BETH GELENA

SINORPRESA ni Maris Racal ang boyfriend na si Rico Blanco sa concert nito na ginanap sa Araneta nitong Linggo, September 11.
Ito ang first major solo concert ng singer-singwriter since nagkaroon ng pandemic.
Nasa audience lang si Maris at nagmistulang fan girl sa katitili habang nagpe-perform ang boyfriend.
Hindi nakatiis ang young singer-actress, bigla siyang umayat sa stage at biglang niyakap si Rico na ikinabigla nito.
Nasorpresa ang audience sa ginawa ni Racal.
Bago ang major concert ni Blanco ay nakunan siya ng pahayag.
Naniniwala siyang, “people are “really hungry to experience live music again.”
“It’s part of my career anyway — to try things for the first time. I’ve always seen challenges as opportunities to bring about new things, and a new way of doing things,” sabi pa ng Rivermaya vocalist.
***
VINA MORALES RUMAMPA SA NYFW FOR A CAUSE
Nasa New York si Vina Morales para rumampa sa New York Fashion Week.
Ibinida ng singer-aktres sa kanyang IG account ang Musa Billboard na nakapaskel sa Time Square kung saan kasama ang kanyang name Vina Morales.
Ang NYFW ay para sa Musa Fashion Event na ayon kay Vina ay ginanap sa Hotel Edison.
“I would like to congratulate my dear friend designer @musafabric_ by_joysoo ?? I am happy that i did the runway for a good cause ?? Didnt have a 2nd thought doing it coz i support Musa Advocac,” sey ng singer
***
IVANA NAGMAMADALING MAG-SHOOT NG MOVIE NILA NI VICE GANDA
Excited nang makatrabaho.ni.Ivana Alawi si Vice.Ganda para.sa.movie.na pagsasamahan nila.
Mas lalo siyang na-excite nang malaman na pang Metro Manila.Filmfest entry ang kanilang gagawin.plus.ang kanilang direktor.ay si Cathy Garcia-Molina.
Ani lead aktres ng A Family Affair, paborito raw ng kanyang ina ang Unkabogable Star kaya lalo itong natuwa nang malamang makakasama niya ito sa pelikula.
Sa pagkikita ng dalawa.ay magkasundung magkasundo agad sila.
Good vibes agad ang direktor at ang dalawa niyang bibida sa MMFF entry.
“Iba ang experience ng panonood ng pelikula sa big screen, sa sinehan mismo. Tapos marami kang kasama na sabay-sabay kayong tumatawa. Iba yung ligayang naidudulot sa mga sarili natin at ang saya nun,” ani Vice.
Sey naman ng sexy actress, “‘Yung mama ko, super happy siya… Pwede na bang mag-shooting kasi I know marami akong matutunan dito.”
Sey naman ng direktor, “I am 50 already and I have done 26 films already. This is my 27th. Ano pa kaya ang pwede kong gawin? Saan pa kaya ako pupunta? So, ito ‘yun.”