Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KUNG tatanungin si Miguel Tanfelix, ang lead actor ng seryeng “What We Could Be” kasama sina Ysabel Ortega at Yasser Marta, sakaling hindi siya naging child actor, ano kaya sa palagay niya na magiging katayuan sa buhay ngayong binata na siya.
“Sometimes, I wonder how my life would have turned out if I had continued my studies. What if I didn’t join showbiz?” patanong ding sagot ni Miguel.
“Honestly, I still crave college life because I didn’t experience it. But that’s something I plan to do in the future,” say pa rin ni Miguel.
Kapanabayan ni Miguel si Bianca Umali sa showbiz, ang young actress ay nag-level up na sa matured role via ‘The Legal Wives” nila nina Dennis Trillo. Sa palagay kaya ni Miguel, ang “What We Could Be” ang daan para malinya na rin siya sa mga matured roles?
“I feel like this is a transition period, from young to more mature roles. This is a turning point. Mahirap naman kung mid-20s, late 20s na and you’re still doing tween roles.
“The project is more mature different from what I have done in the past,” dagdag na say pa ni Miguel.
***
SABI nga ng mga sexy actors, hindi lahat ay pulos ‘sarap’ sa pag-execute ng mga daring scenes, may mga insidente rin na nagdudulot ng ‘sakit’. Tulad na lang sa isang sexy scene na ginawa nina Rose Van Ginkel at Wilbert Ross para sa sexy comedy movie na “5 in 1” simula September 23 sa Vivamax. It follows the story of a young man who has not one, two, or three, but five women in his life, kasama sina Debbie Garcia, Angela Morena, Jela Cuenca, Ava Mendez, Pio Balbuena, Marissa Sanchez, Lassy Marquez, MC Muah, Chad Kinis, and Giselle Sanchez.
May isang eksena na ginawa sina Wilbert at Rose Van na talagang hindi malilimutan ng sex nymphet dahil sa hindi sinasadya na matamaan ng tuhod niya ang dalawang ‘balls’ ni Wilbert.
Say nga ni Rose Van, napansin niya na nasaktan talaga ang dating Hashtag dancer.
“Ang nangyari kasi ’yong suot ko mahabang skirt and gusto ko sanang talunan si Wilbert. Pero hindi ko agad na-open ’yong legs ko so half lang. So, ang nangyari nadaganan ’yong ‘balls’ niya,” say ni Rose Van.
So, ano naman ang ginawa ng kanilang direktor nang mapansin nilang namilipit sa sakit ang lead aktor?
“Wala, nag-cut kami ng shooting kasi masakit ’yon para sa kanya. Sorry talaga. Oh my God and many more,” dagdag na sabi pa ni Rose.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.