Advertisers

Advertisers

Gov’t workers may libreng sakay sa MRT3, LRT2, PNR ngayon

0 121

Advertisers

MAY libreng sakay para sa mga empleyado ng gobyerno ang mga pangunahing railway system services ngayong Lunes, September 19.

Kabilang dito ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR).

Ayon sa Department of Transportation, ito ay kasabay ng isang buwang selebrasyon ng Philippine Civil Service anniversary bilang bahagi ng “treats to government workers” ng Civil Service Commission.



Magsisimula naman ang free rides ng MRT-3 at LRT-2 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi habang buong araw naman ang libreng-sakay ng mga government employee sa PNR.

Para makakuha ng libreng-sakay, kailangan lamang magpakita ng ID bilang patunay na nagtatrabaho sa ahensya ng gobyerno at tanggapan nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More