Advertisers

Advertisers

Pearl Gonzales desididong balikan ang showbiz career

0 529

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

DATING Star Magic artist ang model at Century Tuna Buddies finalist na si Pearl Gonzales.
Naudlot lang ang kanyang pag-aartista nang mamalagi siya sa Estados Unidos.
Naging abala rin siya sa family business kaya naman naisantabi rin ang pangarap niyang karerin ang pag-aartista.
But through the years, na-realize raw niya na may kakaibang halina ang showbiz kaya gusto niya itong balikan.
Isa ring beauty queen si Pearl na ang dating screen name ay Mary Eileen Gonzales dahil nagwagi siya bilang Miss Global Philippines noong 2018.
For the record, siya rin ang kauna-unahang single mom na nanalo ng titulo sa nasabing prestihiyosong beauty pageant.
May anak siya sa former housemate at 2009 Pinoy Big Brother 4th Placer na si Johan Santos.
Bilang single mom, proud din si Pearl sa kanyang achievements bilang businesswoman na may sariling line of beauty products.
Ayon pa kay Pearl, may mga offer sa kanya to do sexy movies sa Vivamax.
Aniya, wala naman siyang nakikitang masama sa pagpapaseksi subalit hindi pa raw  niya kaya na makipagsabayan sa mga walang kiyemeng naghuhubad sa pelikula.
Gusto rin daw niyang makatrabaho ang iniidolo niyang aktor na si Zanjoe Marudo.



Lumabas na si Pearl sa romcom series na “Boyfriend No. 13” na naging third party siya sa tambalang Sue Ramirez at JC Santos na napapanood sa WeTV.
Si Pearl ay isa sa mga guest na tampok sa Kumu show na “Simply Exquisite” na iniho-host ni Nicky Albert.

Present din siya sa launch ng YouTube Premium Kumu shows ng MPJ Network Productions nina Direk Perry Escaño at Noreen Espejon kamakailan.
Ang iba pang Kumu Shows ng network ay ang
“Kids Toy Kingdom” na iniho-host ng singer na si Hannah Ortiz at newbie na si Tom Leaño at
“Millennials Lifestyle” na tampok naman ang darling of covers na si  Sofi Fermazi kasama sina Chesca Orolfo, Archie Alcantara at Lyra Sloan.
Bukod naman kay Pearl, tampok din bilang guests sa pilot episodes na streaming sa Setyembre 29 sina Maricel Morales, Marie Preizer, Beautederm CEO Rhea Tan at newbie hottie na si Iverson Santos.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">