Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA tagal ng ‘di paglantad ay mas lalong nabuo ang pagdududa na buntis nga si Julia Montes
Pero sa bagong post sa socmed ng larawan ni Julia ay makikitang sexy naman ito.
At may project naman ang aktres na makakasama sina Arjo Atayde at Sid Lucero at iba pang aktor.
Mapapansin namang ipinost sa socmed na nag-iisang bidang babae lang si Julia.
Kung dati ay curious sila na baka preggy na ang rumored gf ni Coco Martin dahil bigla itong di na nakikita.
Pero nagulat ang netizens dahil sa larawan ay slim at sexy si Julia.
Kaya ang haka-haka na boom-boom ang aktres ay lumabo sa paglantad nito.
Lalo naman mawawala ang pagdududa ng netizens na preggy si Julia dahil isang ma-action na proyekto ang gagawin nito.
Sumalang na nga raw ang aktres sa matinding training para gamitin sa bago nitong project na may tema na action-thriller.
So, malamang ang mga Maritess na pumasok na sa kanilang kukote na preggy boom boom si Julia ay mawawala na ang pagdududa.
***
Yasmien naalala ang pagpasok sa tent ni Bea
NEVER na malilimutan ni Yasmien Kurdi ang pangyayari noon na nagkasabay ng shooting ang kanilang serye ni Bea Alonzo.
Wala naman knowing si Yasmien na bukod sa kanila ay may nagso-shoot din sa location ng kanilang serye.
Ura-urada raw dumiretso ito sa tent at naglatag at humiga.
Pero ‘di pa nag-iinit ang puwet ni Yasmien sa loob ng tent nang pumasok ang P.A.
Sinabi nito, “Miss Yasmien di po nyo tent ito kay Miss Bea Alonzo ito.”
As in, nagkamali pala ng pasok ng tent si Yasmien kaya agad-agad din siyang lumabas.
Pinangarap din ni Bea na makasama sa isang project si Yasmien at naganap na nga at magkapatid pa sila.
Well, well, well… ‘Yun na!