Advertisers

Advertisers

9 patay, 3 missing kay ‘Karding’

0 197

Advertisers

UMABOT na sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa bagyong “Karding”, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Sinabi ni NDRRMC deputy spokesperson Raffy Alejandro, bukod sa siyam na namatay, may tatlo pang nawawala.

Sa siyam na naitalang nasawi, lima rito ay rescuers na nalunod sa San Miguel, Bulacan; ang ay 2 ay mula sa Zambales, isa sa Quezon, at isa sa Bataan, ayon sa NDRRMC.



Samantala, sinabi ng ng NDRRMC na may kabuuang 60,817 katao o 16,476 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ni Karding.

Ang mga ito ay nagmula sa 948 barangay sa Ilocos Region, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa kabuuang apektadong populasyon, 46,008 indibidwal o 12,352 pamilya ang nananatili sa 976 evacuation centers, habang 5,803 katao o 1,648 pamilya ang naninirahan sa ibang lugar.

May kabuuang 49,092 katao o 13,129 pamilya ang preemptively evacuated, sabi ng NDRRMC.

Ang Nueva Ecija, na may 32 lungsod at munisipalidad, idineklara sa ilalim ng State of Calamity. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">