Advertisers

Advertisers

PAGPALIBAN SA BSKE LUSOT NA SA SENADO; SIM CARD REGISTRATION APRUB DIN!

0 229

Advertisers

SA botong 17 (pabor) at 2 (tutol) aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas para ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre ng sunod na taon (2023) mula sa nakaiskedyul na Disyembre 5, 2022.

Tutol sa panukala ang minority senators na sina Minority Leader Koko Pimentel at Risa Hontiveros.

Isa sa mga senador na nagsulong para ipagpaliban ang BSKE ang kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na si Imee Marcos dahil gusto nitong baguhin ang termino ng barangay officials.



Aprubado narin sa Kamara ang pagpaliban sa BSKE, matapos itulak mismo ng pinsan ni Pangulong Marcos na si House Speaker Martin Romualdez.

Pag-uusapan nalang ito sa Bicameral Conference Committee kung may ilang babaguhin pa sa panukala bago ipadala kay Pangulong Marcos. Nasa mga kamay na ng pangulo kung ituloy ang BSKE o ipagpaliban sa sunod na taon.

Nauna nang sinabi ni Sen. Marcos na naipangako ng pangulo sa barangay officials ang pagpaliban sa eleksyon.

Sa kabilang banda, nakalusot narin sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang SIM registration bill (Senate Bill 1310) sa botong 20 (pabor) at walang tumutol.

Kabilang sa mga miyembro ng senate panel sa Bicameral Conference Committee ng panukala sina Senador Grace Poe, Sen. Nancy Binay, Sen. JV Ejercito, Sherwin Gatchalian at Sen. Koko Pimentel. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">