Advertisers

Advertisers

Sekyu 3 buwan nang ‘di sumusuweldo nangholdap ng gasolinahan

0 179

Advertisers

NATUNTON at nadakip ng pulisya ang solong nangholdap sa isang gasolinahan sa Barangay Bonbon, Aloguinsan, Cebu, Lunes ng tanghali.

Ang holdaper ay nakilalang si Reynato Sarquilla, isang security guard.

Sa kuha ng CCTV ng gasolinahan, solong dumating sa lugar si Sarquilla sakay ng motorsiklo at dumiretso ito sa kahera hawak ang baril at kinuha ang pera na higit P4,000 at umalis na.



Ayon kay Police Lieutenant Roberto Barnido, hepe ng Aloguinsan Police Station, si Sarquilla ay nadakip habang magpapalit na ito ng uniporme pagdating sa pinapasukan, Pinamungajan District Hospital.

Sinabi ni Sarquilla sa pulisya na desperado siya, dahilan para nagawa niyang holdapin ang gasolinahan.

Sinabi ni Sarquilla, mayroong anim na anak, na hindi pa siya sinusuwelduhan ng kanilang ahensiya simula Hulyo.

Nakuha kay Sarquilla ang ginamit na baril sa panghoholdap, isang kalibre .45, at nabawi ang perang higit P4,000 ng gasolinahan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">