Advertisers

Advertisers

10 na patay, 8 missing kay ‘Karding’

0 164

Advertisers

UMAKYAT na sa 10 katao ang nasawi sa pananalasa ng super typhoon “Karding”, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bukod dito, walong indibidwal pa ang nawawala.

Matatandaan na hinagupit ng bagyo ang mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Quezon Province, Aurora at iba pa. Nag-iwan sa mga lugar na nasalanta ang baha, pagkawala ng kuryente at ilang pagguho ng lupa.



Patuloy pa rin sa ilang lugar ang clearing operations at pamimigay ng relief goods.