Advertisers

Advertisers

75 anyos Kano timbog P19m cocaine sa NAIA

0 178

Advertisers

ISANG 75-anyos na American national ang nadakip sa pagtangka nitong maipuslit ang mga bulto ng iligal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkoles.

Ang nadakip ay kinilalalang si Stephen Joseph Szuhar, isang retired casino manager, nahulihan ng 3.7 kg. ng cocaine na nagkakahalaga ng P19.6 million. Naharang siya ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) Martes ng gabi.

Si Szuhar ay dumating sa Customs International Arrival Area sa NAIA Terminal 3bandang 8:00 ng gabi sakay ng Qatar Airways Flight QR 932 mula sa Doha, Qatar.



Pagkatapos dumaan sa screening at physical inspection, nadiskubre ang cocaine sa kanyang luggage.

Kinumpiska rin sa kanya ang isang itim na luggage na naglalaman ng iba’t ibang damit, mga piraso ng carbon paper, at 3 piraso ng improvised pouches na gawa ng packaging tape bawat isa na naglalaman ng cocaine.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dadalhin sa PDEA Laboratory Service para sa pagsusuri.

Si Szuhar ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.(JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">