Advertisers

Advertisers

Lalaki sawi sa pag-ibig, nag-amok sa EDSA bus way sa Pasay City

0 142

Advertisers

NAPIGILAN ng mga tauhan ng InterAgency Council for Traffic (I-ACT), Philippine Coast Guard (PCG), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalaking nag-amok sa EDSA Busway sa Pasay nitong Miyerkoles.

Pansamantalang naantala ang biyahe ng mga bus sa Northbound lane ng nasabing istasyon nang pumasok sa busway ang lalaki na kalauna’y nagwawala at inaawat ng kanyang dating kasintahan sa kanto ng Cuneta Avenue, Pasay City.

Agarang nilapitan ito ng mga operatiba ng I-ACT, PCG, at MMDA upang hindi tuluyang madisgrasya sa kalsada.



Isang mahigpit na yakap mula sa lalaki ang sina-lubong ng isang operatiba na tila naghahanap ito ng kakamping mapaglalabasan ng sama ng loob dahil habang nakayakap, napaiyak at pasigaw na nagsumbong ito na niloko raw siya ng kanyang dating kasintahan.

Pilit siyang pinapakalma ng mga operatiba ng I-ACT, MMDA at PCG, ngunit nag-iba ang ihip ng hangin at hindi pala ito ang gusto ng lalaki at upang mailabas umano ang kanyang sama ng loob sa panloloko ng kanyang naging nobya, bigla nitong itinulak at hinamon ng suntukan ang isa sa mga operatiba.

Mabilis naman nakailag sa suntok ang mga ito sabay pigil sa lalaki pero hindi parin siya napigil maglabas ng sama ng loob kahit pinakapakalma na siya ng dating nobya.