Advertisers
ISANG babae na umano’y ‘Cyber Queen’ at itinuring na Top 7 Most Wanted Person ng Las Piñas City ang nadakip nang matunton ang pinagtataguan nito isang barangay ng lungsod.
Sa isinumiteng ulat na natanggap ni Police Colonel Kirby John Brion Kraft, hepe ng Southern Police District (SPD), nakilala ang suspek na si Gemma Tuliao, 39 anyos at jobless.
Inaresto si Tuliao ng mga operatiba ng Warrant Section at Intelligence Section ng Las Piñas City Police Station sa bisa ng warrant of arrest mula sa sala ni Judge Vilma Tumaliuan Pauig ng RTC, 2nd Judicial Region Branch 2, Tuguegarao City, Cagayan Valley.
Nabatid sa ulat ng pulisya na 3 counts na paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ng Republic Act 10175 ang ikinaso ng korte laban kay Tuliao sa Tuguegarao City.
Hindi na nakapalag ang ‘cyber queen’ nang dalhin sa himpilan ng pulisya.
Nirekomenda ng korte na makapagpiyansa ang suspek ng halagang P48,000.00 sa bawat bilang ng kaso nito.(JOJO SADIWA)