Advertisers

Advertisers

Gawing KKB ang sistema ng procurement – Sen. Cayetano

0 155

Advertisers

MINUMUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano kay Budget Secretary Amenah Pangandaman na gawing “KKB” o kanya kanyang bili ang sistema ng procurement sa national budget para mabawasan ang katiwalian.

Ginawa ng senador ang pagpapanukala nang isalang si Secretary Pangandaman sa Commission on Appointments (CA).

Sa proposal ni Cayetano, ibibigay na ng diretso sa mga benepisyaryo ang pera para sila na mismo ang bibili ng mga equipment o kagamitan na pinondohan para sa kanila, gaya ng laptop para sa mga titser.



Giit ng senador, imbes kasi na makatipid ang gobyerno sa pagbili ng bultuhan, lumalaki pa ang gastos dahil nabubulsa ang pondo ng ilang tiwaling public officials.

Sinabi rin ng mambabatas na mapapabilis nito ang buong proseso, lalo na’t pwede namang hingian nalang ng litrato ang mga benepisyaryo kasama ang kanilang mga biniling unit pati resibo.