Advertisers

Advertisers

LAGMAN BAGONG LIDER NG LP; PANGILINAN NAHALAL NA TSERMAN: “HINDI PA KAMI TAPOS”

0 237

Advertisers

TINANGHAL na bagong presidente ng dating ruling Liberal Party (LP) si Representative Edcel Lagman (Albay, 1st District) nitong Biyernes.

Si Lagman ay pinili ng mga miyembro ng LP sa makasaysayang Club Filipino, ang lugar kungsaan ginaganap ang mga major announcement ng partido, kabilang na ang paglunsad ng kampanya.

Si dating Senador Kiko Pangilinan naman ang nahalal na chairman, vice chair si dating Rep. Kit Belmonte, Executive Vice Pres. si Erin Tanada, Secretary-General si ex-Rep. Teddy Baguilat (Ifugao), Treasurer si Rep. Alfonso Umali, at Director-General si Jason Gonzalez.



“Hindi pa kami tapos,” diin ni Pangilinan.

Nahaharap ngayon si Lagman sa malaking hamon para sa pagbangon ng partido, na “decimated”, sabi ng nakaraang lider nito na si dating Vice Pres. Leni Robredo, kasunod ng mass exodus ng kanilang miyembro nang mahalal si Rodrigo Duterte sa Malacañang noong 2016.

Humina ang partido sa ilalim ng Duterte administration, matapos itong siraan ng husto ng dating pangulo. Maging ang signature party color, yellow, ay pinag-iinsulto rin ng mga kritiko gawa ni Duterte na minsan din naging “Dilawan”.

Noong 2019 elections, ang partido na nakipag-coalition sa ibang opposition groups ay nag-field ng senatorial slate na tinawag na “Otso Diretso,” pero hindi manlang nakakuha ng kahit isang puwesto.

Nang sumunod na national election, backup ng partido si Robredo na natalo ng malaking boto kay President Ferdinand Marcos Jr.



Sa kabilang banda, nahalal naman na tserman ng PDP Laban si dating Pangulong Duterte nitong Huwebes.

Ang PDP Laban ang mahigpit na kalaban ng LP. Karamihan ng miyembro ngayon ng partido ni Duterte ay dating Liberal.