Advertisers

Advertisers

Sharon nakaranas ng diskriminasyon sa Korea, di pinapasok sa Hermes store

0 296

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA latest YouTube vlog ni Sharon Cuneta na may titulong “MEGA Travels-Seoul Part 3,” ibinahagi ng aktres ang kanyang naging pangit na karanasan, na hindi siya pinapasok sa isang Hermès boutique shop para sana bumili ng sinturon.
Mapapanood sa video ang tila pakikipag-usap ni Sharon sa salesman na kalauna’y tumalikod.
“Turned away at the Hermès Store,” makikitang caption sa kanyang vlog.
Dahil sa hindi pagpasok sa kanya ng naturang store ay minabuti ni Sharon na sa Louis Vuitton na lang mamili.
HIndi katulad sa naunang store na kanyang pinuntahan, sa Louis Vuitton ay magiliw na tinanggap at inasikaso si Sharon.
Makikita rin sa vlog na matapos niyang mamili ng gamit sa Louis Vuitton ay binigyan pa siya ng champagne at flowers, bagay na abot-abot na ipinagpasalamat niya.
“I got champagne and flowers! Thank you, Louis Vuitton,” saad ni Sharon.
Matapos mamili ay muling dinaanan ni Sharon ang Hermès store na hindi nagpapasok sa kanya, bitbit ang naglalakihang bag na naglalaman ng mga pinamili niya sa Louis Vuitton.
“No more, I buy everything,” proud na saad ni Sharon sa salesman na hindi nagpapasok sa kanya.
Siguro, ang reason kaya hindi pinapasok ang Megastar sa Hermes boutique shop, ay dahil akala ng salesman na dahil Pilipino siya ay hindi niya kayang bumili roon, na wala siyang pera. Nakakalungkot na nakaranas ng discrimination sa Korea ang misis ni Sen. Kiko Panigilinan, huh!
Ayan, ipinamukha tuloy ni Sharon sa salesman na marami siyang pera kaya namili siya sa Louis Vuiton.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas si Sharon ng discrimination.
Noong October 2019, sa isang panayam niya kay Boy Abunda ay inamin niya na maraming beses na siyang nakaranas ng diskriminasyon sa tuwing napupunta siya sa mga luxury store.
Isa na sa mga tumatak sa kanya ay nung sungitan daw siya ng sales attendant sa isang Cartier boutique sa Hong Kong.
Kuwento niya, “My outfit was very simple, shirt lang and jeans. I said, ‘Excuse me. I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry.”
“Ako, galit ako pag Pilipino, inaapi.”
***
MAYWEATHER GAGAWAN NG
DOCUSERIES NG
AQ PRIME
NASA Manila ngayon ang world boxing champ na si Floyd Mayweather Jr. dahil ipinakilala siya bilang bagong mukha ng bagong streaming app na AQ Prime. ikatlong beses niya na ito na nakarating sa ating bansa.
“We are back again in this great country. So many great people, a beautiful place, humble, respectful (people). The Filipino culture is real,” sabi ni Floyd sa media conference.
Kasamang humarap ni Mayweather sa press si RS Francisco ng Frontrow International na siyang naging tulay sa partnership nito sa AQ Prime.
Kwento ni RS, nag-i-enjoy si Floyd sa ’Pinas. Paborito raw nito ang mga pagkaing Pinoy tulad ng barbeque, chicken inasal at mga seafood.
Pagdating naman sa pakikipag-collab sa Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao, sinabi ni RS na sa pagkakakilala niya kay Mayweather, “Everything is possible.”
Siyempre, sa media conference ay present sina Atty. Aldwin Aguire at Atty. Honey Quiño, na owners ng AQ Prime.
Isa sa mga ibinahagi ni Atty. Honey ang pagpapalabas ng docuseries tungkol sa buhay ng sikat na boksingero sa susunod na taon.
“His life story will not only entertain people but will also inspire people to be like him,” sabi ni Atty. Honey.
Nang tanungin si Floyd kung ano ang magiging highlight ng nasabing docuseries, ang sagot niya, “Well, everything that’s been behind the scenes since 1996. Twenty-six years ago.
“Everything that’s behind the scenes with family, with friends, my ups, my downs, things that you guys don’t get to see on pay-per-view, this documentary will only bring you closer to me, closer to my life. You’ll get the chance to really, really know Floyd Mayweather.”