Advertisers

Advertisers

Ellen na-bash nang magbigay ng mensaheng Ingles kay Deniece

0 185

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINAHAGI ni Jessy Mendiola sa kanyang socmed ang pagkakaroon ng Covid last week.
Kaya naman nasa isolation area si Jessy para di magkahawaan.
Labis naman silang nangamba na mag-asawa nang magka-Covid si Jessy lalo na nga raw at buntis ito sa kanilang panganay.
Kaya agad-agad silang nagpa-ultra sound kung ano ang kalagayan ng kanilang Baby Peanut.
Natuwa ang couple na Luis Manzano at Jessy nang makita ang result ng ultrasound.
Thankful sina Jessy at Luis dahil di naman naapektuhan ang kanilang Baby Peanut sa kabila na nagka-Covid si Jessy.
Ilang buwan na lang ay malapit nang maging parents sina Luis at Jessy sa paglabas ng kanilang baby.
***
SANDAMAKMAK na bash ang inani ni Ellen Adarna sa mga netizen nang magbigay ito ng mensahe kay Deniece Cornejo.
Super mega straight at slang ang mga pinakawalan na English words ni Ellen.
Ikinaloka ng mga netizen na di nakaintindi kasi para raw itong ipit at lasing sa kanyang pagsasalita.
Pero may bumilib naman sa esmi ni Derek Ramsay sa pinakawalan nitong mabibigat na vocabulary.
Kaya may mga netizen na nag-suggest na tagalugin or bisayain na lang ni Ellen.ang message niya para kay Deniece.
Well, well, well… ‘Yun na!