Advertisers

Advertisers

Panibagong rollback sa oil products ipatutupad ngayon!

0 180

Advertisers

MULING magpapatupad ng panibagong rollback sa mga produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc., magpapatupad sila ng P0.45 na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina at diesel, habang P0.85 naman sa kerosene.

Ipatutupad din ng Cleanfuel ang kaparehong bawas-presyo maliban sa kerosene.



Sa datos ng Department of Energy, ang year-to-date adjustments ay may net increase na P14.85 sa kada litro ng gasolina, P29.40 sa kada litro ng diesel, at P24.10 sa kada litro ng kerosene.