Advertisers

Advertisers

Titser natagpuang patay sa gubat

0 235

Advertisers

Patay na nang matagpuan ang isang babaeng guro na napaulat na nawawala nang umakyat sa Mt. Manghilao sa Barangay Masaba, Danao City noong Biyernes ng umaga, Setyembre 30.

Kinumpirma ng pulisya na ang biktima, na kinilalang si Maria Sofia Olaguir, na natagpuang wala nang buhay sa isang maliit na kanal sa masukal na bahagi ng kagubatan ng bundok noong Linggo, Oktubre 2 ng gabi.

Iniulat ng pamilya ni Olaguir ang pagkawala nito noong Sabado, Oktubre 1, nang hindi umuwi sa kanilang bahay sa Barangay Sandayong Norte.



Sinabi ng mga kaanak sa mga imbestigador na kamakailan lamang nakakuha si Olaguir ng kanyang diploma sa Edukasyon, at nagsindi ng kandila at nag-alay ng panalangin sa Mt. Manghilao sa pag-asang makapasa sa paparating na Licensure Examinations for Professional Teachers (LET).