Advertisers

Advertisers

Bokal, 2 pa patay sa ambush

0 223

Advertisers

Dead on the Spot ang dating boardmember ng Aurora, nang pagbabarilin habang nadamay ang asawa, at driver nito sa bahagi ng Baler-Casiguran Road Purok 1, Brgy. Dibutunan sa bayan ng Dipaculao, sa lalawigan ng Aurora nitong Lunes.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, 5:10 ng hapon ng mangyari ang pamamaril sa mga biktima habang lulan ng Isuzu DMAX na kulay maroon na may plakang CAU-1358.

Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director PBGen. Cesar Pasiwen, kinilala ang mga biktima na sina ex-board member Narciso Amansec; Merlinda Amansec; at Leonard Calusa, driver na kapwa nasa hustong gulang.



Nabatid na pinagbabaril ang mga biktima habang binabagtas ng sasakyan ni Narciso ang bahagi ng Baler-Casiguran road ng hindi nakilalang salarin.

Ayon kay Police Major Eduardo Mendoza Jr., nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon upang matukoy kung sino at ano ang motibo sa naganap na pamamaril.

Sa ulat, tumakbo rin si Narciso bilang Vice Governor ng lalawigan ngunit natalo nitong nagdaang eleksiyon.

Samantala, bumuo na rin ang mga awtoridad ng Special Investigation Task Force (SITG) ang Aurora Provincial Police Office, kasama ang Criminal Investigation and Detection Group, Provincial Intelligence Units, at na tututok sa kaso ng pamamaril.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">