Advertisers

Advertisers

Pagpaliban ng Brgy at SK Election at SIM Registration Act nasa Malacanang na!

0 171

Advertisers

Malaki ang tiwala ng Senado at Kamara na tuluyan nang magiging batas ang dalawang mahalagang panukalang batas na sinertipikahan ng Malacanang hinggil sa urgent na SIM Registration Act at ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections Postponement Act.

Kahapon ng umaga nang magpulong ang mga senador sa pangunguna nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Manila Golf Club sa Makati City upang lagdaan ang dalawang enrolled bills na ipinadala kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro Mendoza na siyang nagsumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para lagdaan at tuluyan nang maging batas.

“I am honored to join Senate President Migz Zubiri in signing the enrolled bills that will be officially transmitted to Malacanang for the President’s signature,” ani ni Romualdez.



Nabatid na si Romualdez ang pangunahing may-akda ng SIM Registration Act (HB No. 14) na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong Setyembre 19.

Kasama ni Romualdez sa nasabing pagpululong sina House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Navotas Rep. Toby Tiangco, Marikina Rep. Marjorie Ann Teodoro, at Negros Occidental Rep. Juliet Marie Ferrer.
Samantala sa panig ng Senado kasama ni Zubiri sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito, Senador Imee Marcos at Senador Grace Poe.

Ang enrolled bill ay printed final copy na sinertipikahan ni House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco at Senate Secretary Atty. Renato N. Bantug Jr.

Matatandaang nitong Setyembre 28 nang ratipikahan ng Senado at Kamara ang HB 14 at SB 1310, “This (SIM Registration Act) may be the first legislative measure to be signed into law by President Bongbong Marcos. Once enacted into law, this will be our first line of defense against scammers, con artists, and criminal elements who use cellphone and other electronic communication gadgets for nefarious activities,” pahayag ni Romualdez.

Sa sandaling maging batas, nagbabala si Romualdez sa mga text scammers na tumigil na sa ginagawang illegal na aktibidad dahil sa parurang naghihintay sa mga ito.



Sa ilalim ng SIM Registration Act, ang mga end-users ay inoobligang irehistro ang kanilang SIMs sa kanilang mga Public Telecommunication Entity (PTE) bago magamit ang sim card habang ang existing SIM subscribers ay inaatasang irehistro rin sa kanilang PTEs sa loob ng 180-araw matapos maging epektibo ang panukala.

Sinumang mabibigo na irehistro ang SIM sa takdang araw ay awtomatikong made-deactivate ang SIM.

“Certain acts such as failure or refusal to register a SIM, breach of confidentiality, using fictitious identities or fraudulent identification documents to register a SIM, spoofing a registered SIM, sale of stolen SIM, and sale or transfer of a registered SIM without complying with required registration, are penalized with varying amounts of fine or duration of imprisonment,” dagdag pa ng house speaker

Ayon pa kay Romualdez, maliban sa pagtalakay sa 2023 budget, kasama rin ang pagpapaliban ng barangay at SK elections mula Disyembre ngayong taon ay gagawin na sa Oktubre 4, 2023 at kada tatlong taon.

Samantala pinuri ng house speaker ang magandang pamamalakad sa Senado ni Senate President Zubiri dahil sa pagkakaisa ng mga senador sa pagbalangkas hinggil sa kapaki pakinabang na mga batas. (Cesar Barquilla)