Advertisers

Advertisers

19.7M Pinoy nakatanggap na ng booster shots – DOH

0 183

Advertisers

UMABOT na sa 19.7 milyong Pilipino sa buong bansa ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot laban sa COVID.

Iniulat ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nasa 25 percent sa nasabing bilang ang nasa eligible population.

Nauna nang nagtakda ang DOH ng boosters target na 30 porsiyento o 23.4 milyon ng kwalipikadong populasyon na 78 milyon pagsapit ng Oktubre 8, ang ika-100 araw ng administrasyong Marcos.



Ayon kay Vergeire, 3.2 milyon ang nakatanggap ng booster shots mula nang ilunsad ang PinasLakas vaccination program noong Hulyo.

Dagdag pa nito, mahigit 42,000 miyembro ng A2 group o senior citizens ang nabakunahan na rin.

Ang kampanya ng PinasLakas ay naglalayon na maabot ang 90 porsiyento ng mga senior citizen para sa kanilang pangunahing serye at 50 porsiyento ng eligible population para sa unang booster doses sa Oktubre 8.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">