Advertisers

Advertisers

Inflation rate tumaas sa 6.9% noong Setyembre – PSA

0 180

Advertisers

INIULAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang pagtaas ng ilang mga bilihin, kung kaya bumilis din ang paggalaw ng inflation sa bansa.

Pahayag ni Undersecretary Dennis Mapa, ang national statistician at civil registrar general ng bansa, bumilis umano ang antas ng paggalaw ng bilihin at mas tumaas ito kumpara sa buwan ng August 2022 na mayroon 6.3%.

Nasa 6.9% ang pag-angat noong buwan September na mayroong average o kabuuan na 5.1% simula Enero hanggang Setyembre nitong taong kasalukuyan.



Base pa sa paliwanag ni Usec. Mapa, pangunahin sa ilang kadahilanan ay ang mas mabilis na pagtaas ng food and non-alcoholic beverages na may 7.4% inflation at 70.6% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ito ang mga pangunahing nag-ambag sa pagtaas ng pangkahalahatang inflation kabilang na ang presyo ng mga gulay, asukal at cooking bananas.

Gaya rin ng gulay na talong na may 3.5% inflation mula sa -2.7 % noong August 22, ang presyo naman ng isda and other seafoods partikular ang tilapia na may 7.22% noong August at umangat sa 9.1% noong Setyembre.

Dagdag pa rito, malaki rin ang itinaas ng inflation ng sugar na mayroong 26% noong August at 30.2% noong Setyembre 2022.

Kasama na rito ang housing, water, electricity gas and other fuels.



Ang pangatlong commodity group na nagpakita ng mataas na antas nitong Setyembre ay ang mga restaurants and accomodation services na may 4.6% inflation at 6.5% shares sa bansa.

Nabanggit din ni Usec. Mapa ang isyu patungkol rin sa fare hike. (Josephine Patricio)