Advertisers

Advertisers

P30m taklobo nasabat sa Cebu

0 234

Advertisers

MAHIGIT 200 piraso ng endangered giant clam shells na nagkakahalaga ng P30 milyon ang nasabat sa Borbon, Cebu mula sa isang illegal wildlife trader.

Sa pamamagitan ng entrapment operation, nahuli ang isang magsasaka na kinilalang si Anecito Pogado, 46 anyos, na napaulat na nagbebenta ng taklobo.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG-7) at Lapu-Lapu City Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kinumpiska nila ang nasa 200 piraso ng giant clam shells na tumitimbang ng kabuuang 2,000 kilos at nagkakahalaga ng P30 milyon.



Sinabi naman ni Police Capt. Nigel Sanoy ng CIDG, ang benta ni Pogado sa taklobo sa mga customer nito sa abroad ay P15,000 kada kilo.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Lapu-Lapu City Field Unit ng CIDG si Pogado na nahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code.