Advertisers

Advertisers

Winwyn lucky charm ang anak kaya waging best actress sa Manhattan

0 221

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BONGGA si Winwyn Marquez dahil first time niya lang tumanggap ng acting award ay nanggaling pa ‘yun sa ibang bansa. Siya ang tinanghal na Best Actresss In a Feature Film sa 12th International Film Festival Manhattan para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang pinagbidahan niya na Nelia mula sa AQ Prime. O di ba, isa na siyang International Best Actress?
Sa pakikipag-usap namin sa aktres, tinanong namin siya kung anong feeling na International Best Actress na siya, ang sabi niya,”Siyempre ang sarap ng feelings na na-recognize bilang Best Actress this time.
“Hindi ko alam kung anong irereak ko, kung magsisigaw ba ako? Kung mag-iiyak ba ako? Kasi nu’ng nalaman ko, nagpapatulog ako ng baby, eh.
“So nu’ng tinext ako sabi ko, totoo ba? Baka bawiin pa.
“Nung nagpapatulog ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Ngayon pa lang nagsi-sink-in sa akin na Best Actress na ako.”
Ngayong isa nang acting awardee si Winwyn magiging mapili na ba siya sa pagtanggap ng role?
“Hindi naman po,”sagot niya.
“It will depend on the script given to me.
“Pero I’ve been very vocal eversince naman po na bago pa ako makakuha ng award na hindi ko talaga kaya ng sexy saka daring lalo na mommy na ako ngayon. I dont think I can do that.
“Pero ‘yung mga ibibigay naman sa akin na mga script kung maganda, kung okey, gagawin ko.
“At top of my head, ang priority ko is to work for my child, eh.
“Hindi na for me, eh. it’s for my daughter.”
Masasabi ni Winwyn na lucky charm niya ang kanyang baby na si Luna Teresita na 6 months old na.
“Kasi nu’ng in-announce ko na pregnant ako, kapapalabas pa lang nung Nelia (sa mga sinehan).
“I was almost 6 months pregnant.
“Ngayong magsi-6 months na rin siya. May award pa akong Best Actress for Nelia.
“So feeling ko siya ‘yung lucky charm ko talaga.
“Kasi nu’ng first time kong bumalik sa work after kong manganak, nagkaroon ako ng movie with Miss Nora Aunor, ‘yung Ligalig from AQ Prime pa rin.
“So feeling ko siya yung,’Mama, eto ‘yung gagawin mo, huh?
“Feeling ko, siya ‘yung lucky charm ko talaga. ‘Yun ‘yung iniisip ko. So mas motivated talaga ako to do well.
“Kaya lang hirap ako siyempre.
“Mapili ako ngayon sa scheduling.
“Kasi I can’t leave my daughter sa yaya lang.
“Dapat it’s either ako ‘yung mag-aalaga or ‘yung dad.”
So very hands on ka bilang isang ina?
“I am. Kahit may yaya kami, ako pa rin yung talagang nag-aalaga.
“Iba ‘yung feeling ‘pag ako, eh.
“Minsan nga kahit yung daddy niya ‘yung nag-aalaga, gusto kong agawin sa daddy niya, eh. Ganoon pala talaga. Hindi ko talaga kayang iwan nang matagal ‘yung baby.”
Dahil nga kinilala na ang husay niya sa pagganap, magiging mataas na ang expectation sa kanya sa pag-arte, na kailangan lagi niyang galingan sa bawat proyektong ibibigay sa kanya. May pressure ba?
“Ang iniisip ko na lang ‘yung pressure and expectation parang good thing na lang din. Kasi mas mamo-motivate kang galingan, eh. Kasi hindi ka magiging relex na gusto kong isipin,”Ay Best Actress ako, hindi eh. Mas kailangan ko pang galingan. Mas kailangan ko pang ma-motivate ‘yung sarili ko.”