Advertisers

Advertisers

“Traslacion” out, “Walk of Faith” in, sa Pista ng Itim na Nazareno

0 84

Advertisers

WALA pa ring magaganap na “Traslacion” o tradisyunal na prusisyon ng Itim na Nazareno sa isang taon, sa halip ay papalitan ito ng “Walk of Faith” kung saan walang Itim na Nazareno na ipaparada.

Ito ang nabatid kay Manila Mayor Honey Lacuna sa kanyang kauna-unahang pagdalo sa “Balitaan sa Harbor View” forum ng Manila City Hall Reporters’ Assn. (MACHRA).

Kaugnay pa nito ay binanggit din ng alkalde na hindi rin magsasagawa ng ‘Lakbayaw’ na bahagi ng taunang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto
Niño sa Tondo at Pandacan. Tuloy pa rin ang tradisyunal na “Buling-Buling”.



Ang tradisyunal na “Pahalik” o paghalik sa imahe ng Sto Nino ay tuloy pa rin at gagawin sa Quirino Grandstand simula alas-12:01 a.m. ng Enero 7 hanggang Enero 9, o mismong Kapistahan ng Nazareno mismo.

Sinabi ng kauna-unahang lady mayor na nakipagpulong siya sa mga awtoridad ng Simbahan ng Quiapo at sa mga hijos ng Nazareno kung saan napagkasunduan na ang mga deboto ay maaring magdala ng replicas sa espesipikong araw na itinakda para sa blessing ng mga imahe at replicas ng Itim na Nazareno.

Ayon pa kay Lacuna , ang mga plano ay isinasapinal na ng Quiapo Church para sa pagsasagawa joint press conference na kabibilangan ng pag-aanunsyo ng ruta kung saan sinabi rin ng alkalde na handang-handa ang Manila Police District; Manila Traffic and Parking Bureau; Manila Disaster Risk Reduction Management Office; department of tourism, culture and the arts; social welfare deparment; Manila Health Department at ang Manila Fire District, kaugnay ng nasabing event.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lang ng pamahalaang lungsod ang requirements o mga pangangailangan sa pagsasagawa ng nasabing events sa Quirino Grandstand at Quiapo.

Samantala nabatid din kay Lacuna na di na muna magsasagawa ng “Lakbayaw” sa darating na taon para sa Pista ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan. Pero tuloy pa rin naman ang “Buling-Buling”.

“Iba kasi ang deboto ng Poong Nazareno. Iba ho sa Lakbayaw at Bulling-Buling. I have attended them, lakad lang po, tahimik at meron pa ring distancing. ‘Yung Buling-buling is mostly sayaw ng grupo-grupo. Di sila ganung kadami at walang nagtutulakan kaya di ako ninenerbiyos sa festivities na ‘yun, unike sa Nazareno, iba ang way pagpakita ng devotion at ito ay dinarayo maging ng mga taga-ibang lugar,” pahayag ng alkalde.



Hinikayat ni Lacuna ang mga deboto ng Itim na Nazareno na pairalin ang disiplina kung gusto nilang maibalik ang tradisyunal na prusisyon.

“Kung gusto nilang sa susunod na taon ay bumalik na sa dati, dapat ay ipakita nila kung kaya na ibalik yung dati. Ngayon, kung pwede naman nating gawin ang debosyon sa ganitong paraan, baka puwede sa susunod na taon ganito na lang,” pahayag ng alkalde patungkol sa “Walk of Faith” na siyang papalit sa “Traslacion” sa isang taon. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More