Advertisers

Advertisers

8 PATAY SA HOLDAPAN NA NAUWI SA ENGKUWENTRO

0 87

Advertisers

WALO katao ang nasawi sa holdapan sa isang bakery sa bayan ng M’lang, North Cotabato.

Kinilala ni Lieutenant Colonel Realan Mamon, hepe ng M’lang Police Station, ang isa sa mga nasawi na si Police Staff Sgt. Rudy Amihan, habang sugatan ang kasamahan nitong si Corporal Noli Labesores.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng namatay na isang kustomer at anim na holdaper.



Sa report ng M’lang Police, naganap ang holdapan sa loob ng Regz and Kirks bakeshop sa Barangay Bagontapay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kita sa kuha ng CCTV ang pagpasok ng walong holdaper na nakasuot ng bonnet at mga armado ng baril. Nagdeklara ng holdap ang mga holdaper. Tatlo sa mga ito ang nasa kahera at nilimas ang benta habang ang ibang holdaper ay pinayuko ang mga kustomer at pinagkukuha ang kanilang pera at cellphone.

Subali’t isa sa mga kustomer ang nanlaban kaya nabaril ito ng mga holdaper saka mabilis na nagsitakas.

Agad namang natanggap ng mga awtoridad ang pangyayari kaya mabilis silang rumesponde sa lugar at naabutan ang mga holdaper na patakas.

Hinabol ng mga pulis ang mga holdaper kasama si Amihan at Labesores, subali’t pinaputukan sila ng mga holdaper, at nauwi sa engkwentro na tumagal na ilang minuto.

Tinamaan si Amihan sa katawan, sanhi ng agaran nitong kamatayan; habang 6 naman sa mga holdaper ang nasawi.



Kasalukuyan pang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawa pang holdaper na nakatakas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More