Advertisers

Advertisers

10 ‘NBI agents’ timbog sa pangingikil

0 97

Advertisers

TIMBOG ang sampu katao na nagpanggap na mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at nahaharap sa patung-patong na kaso ng serious illegal detention, attempted robbery, usurpation of authority at trespass to dwelling na isinampa ng isang Tsinoy na negosyante nitong Nobyembre 22.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, Brigadier General Kirby John Kraft, ang mga dinakip na sina David Tan Liao, 46, travel agency agent; Fritz Ian Petil Cafino, 33; Ronaldo Cadalena Zuniega, 33, kapwa utility personnel ng Long-Shang Travel Agency; Andy Ko Sy, 50, driver/translator; Erlindo Cuago Auditor, 48, tricycle driver; Roderick Segundo Ensano, 48, taxi driver; Bienvinido Biolango Vildad Jr., 47, driver; Ernesto Solamillo Baay, 45, driver; Roberto Daradar Pacis, 65, messenger; at Jonathan Caliwag Salud, 46, immigration officer.

Bukod sa mga ito, pinaghahanap din ng mga awtoridad si Jose Romel Herbolingo Congreso, 50, at apat na hindi pa nakikilalang kasamahan nito na sangkot din sa naturang patung-patong na kaso.



Nasakote ang mga suspek 9:00 ng umaga sa bahay ng negosyanteng si Weijian Pan, 33, ng Country Club Drive, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City nitong Martes (Nobyembre 22).

Bago maganap ang pag-aresto, nakita sa CCTV na lulan ng dalawang sasakyan na Ford Expedition (NGB3701) at Ford Explorer (NBS6351) ang mga suspek na dumaan sa Madrigal Gate ng Ayala Alabang Village kungsaan nagpakilala ang mga ito na NBI agents at inabisuhan ang mga nakatalagang guwardiya sa gate na kanilang bibisitahin ang kanilang kaibigan na naninirahan sa Maria Cristina Street.

Pagdating sa bahay ng biktima, binantaan ang 19-anyos na Chinese interpreter na si Erick Cai at puwersahang binuksan ang gate.

Nang nakapasok sa bahay, nilapitan ni Liao si Pan at nag-demand ng halagang P40 milyon kapalit ng kalayaan nito. Inabot ng hanggang 7:00 ng gabi ang mga suspek sa bahay ni Pan.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek, nakakuha ng tiyempo ang driver ni Pan na si Juvanie Baterna Lapinig, 30, na nagawang makatawag para makahingi ng tulong sa mga guwardiya ng village na siya namang tumawag sa pulisya na agad ding rumesponde sa lugar at naaresto ang sampu.

Naisailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek sa kanilang kinahaharap na mga kaso sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More