Advertisers

Advertisers

Bawas-singil sa kuryente, asahan sa Disyembre!

0 173

Advertisers

INANUNSYO ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magkakaroon ng bawas singil sa kuryente sa Disyembre dahil sa pansamantalang pagtapyas sa feed-in-tariff o FIT sa electricity bill ng mga konsyumer.

Pahayag ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, aprubado na ang pagtanggal sa pangongolekta ng FIT upang makatulong sa mga konsyumer sa gitna ng nagbabadyang pagtaas ng electricity bill sa susunod na taon.

Ang FIT, na katumbas ng halos P0.4 centavos kada kilowatt per hour ay bahagi ng electricity bill na napupunta sa mga plantang gumagamit ng renewable energy sources.



Sinabi pa ni Dimalanta na pag-aaralan din nilang palawigin ang suspen-syon ng FIT sa Pebrero 2023.