Advertisers

Advertisers

BIGTIME ROLLBACK NG PETROLYO SA SUNOD NA LINGGO

0 209

Advertisers

ASAHAN ang panibagong bigtime rollback sa susunod na linggo.

Batay sa pinakahuling pagtaya ng Department of Energy (DOE), aabot sa P3.50 hanggang P3.70 ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.

Maglalaro naman sa P2.20 hanggang P2.40 ang posibleng bawas-singil sa kada litro ng kerosene habang P1.00 hanggang P1.20 naman sa kada litro ng gasolina.



Matatandaang nagpatupad din ng rollback ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo kung saan P2.15 ang ipinatupad na bawas-presyo sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene at P0.40 per liter sa presyo ng gasolina.