Advertisers

Advertisers

4 CAFGUs PATAY, 2 SUGATAN SA ATAKE!

0 149

Advertisers

NASAWI ang tatlong miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at dalawa ang sugatan nang pagbabarilin ng armadong grupo sa Buldon, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Silvestre, Ignacio Lozad, at Dondon Ahito; habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Arnel Cayanan at Calbertson Baggay.

Ayon kay Lt. Colonel Dennis Almorato, spokeman ng 6th Infantry Division, 1:20 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa Barangay Edcor, Buldon.



Ang mga biktima ay nakatalaga sa pagbabantay sa isang tulay na napinsala ng bagyong Paeng nitong nakaraan buwan sa Barangay Edcor.

Dumating ang mga salarin sakay ng isang motorbike at pinaputukan ang mga biktima.

Nasawi noong din ang 3 biktima at nasugatan ang 2 iba, habang mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa Brgy. Nuyo.

Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad laban sa mga tumatakas na mga salarin.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">