Advertisers

Advertisers

Away sa lupa?: 4 patay sa masaker sa Bukidnon

0 217

Advertisers

PATAY sa pamamaril at pananaga ang apat katao sa Lantapan, Bukidnon nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rocky Cruz, 33 anyos; Rachel Cruz, 19; Winlove Sinto, 30; at Daniel Lugnasan, 54; habang sugatan sina Mael Lugnasan, 30; at isang menor de edad.

Naaresto naman ang mga salarin na kinilalang sina Julie Saway, Dindo Saway, at Elfredie Saway, pawang residente ng P-2, Barangay Songco, Lantapan.



Ayon sa Lantapan Municipal Police Station, pinasok ng anim na salarin ang bahay ni Mael at pinagbabaril ang mga tao sa loob. Nasawi ang 4 magkakamag-anak kabilang ang isang menor de edad.

Nakaligtas naman si Mael na may tama ng bala sa tiyan.

Sunod na nagtungo ang mga salarin sa bahay ng isang Daniel Lugnasan. Pinagtataga naman ito ng bolo, patay.

Naaresto na ng mga awtoridad ang 3 sa mga salarin habang pinaghahanap ang tatlo pa.

Ayon sa Lantapan Police, posibleng away sa lupa ang motibo sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">