Advertisers
ISANG natatanging pelikulang mapapanood sa mga sinehan ngayong buwan ang magpapakilala sa bagong loveteam ng former child star-turned-comedian na si Buboy Villar at promising actress na si Bella Thompson sa “Ang Kwento ni Makoy” (AKNM).
Ang rom-com movie na ito ay tungkol sa isang masayahin at mapagmalasakit na nurse (Villar) na mag-aalaga sa isang masungit na Covid patient (Thompson). Sa ilalim ng direksyon ni Direk HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc, “Ang Kwento Ni Makoy” ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula ngayong Disyembre 7.
Bukod kina Buboy at Bella, bibida rin sa “Ang Kwento ni Makoy” ang mga emerging stars na sina Elan Villafuerte, Jimson Buenagua, Ranz Aganan, Angelita Loresco, Kenneth Mangurit, at Kharyl Shanti Ibnohasim na kilala sa larangan ng Philippine indie films at indie theatrical plays. Kasama rin dito ang mga bagong mukha sa industriya na sina Caroline Perla, Jonna Sibonga, at Prince Euri Feliciano.
Kinunan noong kasagsagan ng pandemya, umiikot ang “Ang Kwento ni Makoy” sa kakaibang onscreen chemistry nina Bella at Buboy kung saan gaganap si Bella bilang isang self-help writer na magiging positibo sa COVID-19 at aalagaan naman ng karakter ni Buboy na isang mabait at masayahing nurse. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga karakter pagdating sa kani-kanilang pananaw sa buhay, ang karisma ni Buboy ang magbibigay-daan para maging magkaibigan ang dalawa at matutunan ang kahalagahan ng buhay at mga taong malapit sa kanila.
Huwag palampasin ang loveteam debut nina Buboy at Bella sa big screen sa pagbubukas ng “Ang Kwento Ni Makoy” sa mga sinehan nationwide ngayong Disyembre 7. Para maging updated sa latest news tungkol sa pelikula, i-like at i-follow ang official Facebook page ng Ang Kwento ni Makoy sa https://www.facebook.com/KuwentoniMakoy.