Advertisers

Advertisers

Inflation noong Nobyembre pumalo sa 8 percent

0 138

Advertisers

PATULOY na tumataas nang mas mabilis kaysa sa target noong Nobyembre ang mga presyo ng mga consumer goods sa Pilipinas ayon sa ipinakitang datos ng gobyerno ukol sa inflation sa ating bansa.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ang inflation sa 8.0% noong Nobyembre, na lumampas sa 14-year high na 7.7% na naitala noong Oktubre.

Ang pinakahuling print ay mas mataas sa target range ng gobyerno na 2% hanggang 4%, at alinsunod sa 7.4% hanggang 8.2% projection range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).



Kabilang sa mga pangunahing nag-aambag sa mas mataas na inflation para sa buwan ng Nobyembre ay ang pagkain at mga nonalcoholic drinks lalo na ang mga iba’t ibang mga gulay.

Sa kasalukuyan kasi, nagpapatuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng lahat ng mga bilihin dito sa ating bansa.