Advertisers

Advertisers

PBBM desidido ituloy ang programa kaugnay sa renewable energy

0 82

Advertisers

INAMIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gugugol ng mahaba-habang panahon para kumpletong mailatag ang target nito kaugnay sa renewable energy.

Pahayag ng Pangulo, karaniwang tatagal ng anim hanggang pitong taon para maitayo ang kakailanganing mga power plant sa bansa pero desidido aniya siyang maitayo ang mga ito.

Sa katunayan, sinabi ni Pangulong Marcos na sisimulan niya itong maipatayo kahit hindi ito matapos sa ilalim ng kaniyang termino.



Ang importante aniya ay masimulan na ang pagtatayo sa mga ito at committed aniya siya na magpalit mula sa traditional fossil fuels patungo sa renewable energy para sa bansa.

Dagdag pa ng Pangulo na long term ang kaniyang pananaw sa usapin ng enerhiya sa bansa at ang programa ng kaniyang administrasyon kaugnay sa isyu ng energy ay nakatuon sa pagkakaruon ng mas mataas na suplay. (Vanz Fernandez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More