Advertisers

Advertisers

UTANG NG PINAS LUMOBO PA SA P13.64 TRILLION!

0 103

Advertisers

NADAGDAGAN pa ang halaga ng utang ng pamahalaan nitong pagtatapos ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Batay sa impormasyon ng Bureau of Treasury (BTr), naitala ito sa P13.64 trilyon na mas mataas ng 0.92% o P123.92 bilyon mula sa end-September level na P13.517 trilyon.

Ang dahilan ng paglobo ng utang ng bansa ayon sa BTr ay ang pagkuha ng local at external loans.



Sa halagang ito, 68.58% ang inutang sa loob ng bansa habang ang natitirang 31.42% ay inutang sa labas ng bansa.

Sa ulat pa ng BTr ay umakyat ang local debt ng bansa ng P1.18 trilyon mula nang nagsimula ang taon dahil sa patuloy na preference para sa domestic financing para mapigilan ang panganib ng foreign currency.

Sa usapin naman ng foreign borrowings, naitala ito sa P4.28 trilyon mula sa dating P4.22 trilyon lamang sa pagtatapos ng September ngayong taon.

Dahil ito sa pag-avail ng bansa ng foreign financing na nagkakahalaga ng P118.71 bilyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More