Advertisers

Advertisers

JEEPNEY TINANGAY NG FLASH FLOOD: 8 PASAHERO SAWI!

0 176

Advertisers

WALO katao ang nasawi nang tangayin ng rumagasang tubig sa ilog ang isang jeepney sa may bahagi ng Barangay Sta. Ines, Tanay, Rizal Sabado ng gabi.

Sa report ng pulisya, pito sa mga nasawi ay senior citizens at isang limang taon gulang na bata na sinasabing kumuha lamang ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinilala ang mga nasawi na sina Terisita Quinto, Myller Kit Fernandez, Leonida Doroteo, Salvacion Delgado, Carmen Dela Cruz, Esmena Doroteo, Avelino at Deodora Buera.



Sa report ng Tanay Municipal Police Station, 8:15 ng gabi nang maganap ang aksidente.

Nabatid na sakay ang mga biktima sa isang jeepney na minamaneho ni Jun Pio Domeyeg, Jr. galing sa bayan na kumuha ng ayuda at namili ng mga kagamitan.

Habang tumatawid ang sasakyan sa ilog ay nabalahaw ito. Humingi ng tulong ang driver nito sa isa pang jeep na tumatawid din sa ilog, upang hilahin sila at makaahon sa pampang.

Pero habang hinila ng isa pang jeep ang nabalahaw na sasakyan, biglang dumating ang flash flood sanhi upang tangayin ng malakas na agos ng tubig ang hinihilang jeepney.

Mabilis namang rumesponde ang mga residente, nguni’t tumagilid ang jeepney at tinangay ng agos ang mga pasahero, nagresulta sa pagkalunod ng mga biktima.(M. OBLEADA, JUN FABON, E. MORENO)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">