Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MUKHANG in the spirit of Christmas ay muling nagkalapit ang loob ng mag-inang Jaclyn Jose at nina Andi Eigenmann and fiance Philmar Alipayo.
Kung matatandaan ay naglabas ng hinanakit sa anak at kay Philmar si Jaclyn nang hindi naalaala raw ng dalawa ang kanyang kaarawan at hindi man lang siya tinext ng mga ito.
Maraming netizens ang natuwa sa latest photos na ini-upload mismo ni Andi.
Sa naturang mga larawan makikita ang pagluwas sa Manila ng mag- partner kasama ang kanilang 3 anak. Ini-upload din ni Andi ang photo na magkatabi ang maglola sa hapag kainan, sina Jaclyn at Elli. Kasama rin ng mga bata sa isang larawan ang kanilang mga tiyuhin sa isang palaruan.
Narito ang mga positibong komento ng mga netizen sa pagbibigay ng oras nina Andi at Philmar para maka-bonding ang nagtatampong ina nila na si Jaclyn.
“Happy to see na pinuntahan nyo si mommy jaclyn.”
“Awww reunited with your mom so happy for you all.”
“Wowwww with nanay !!!!!”
“I’m so glad to see Andie and her family with Ms. Jaclyn.. my heart is full coz I’m a big fan of them. Silently praying for the happiness of this whole fam.”
***
AZI ACOSTA PUHUNAN ANG MATAMBOK NA PUWET
NANG pasukin ni Azi Acosta ang mundo ng showbiz ay sinabi niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para makamtam ang pinapangarap na kasikatan. Bago pa man maging sexy star ay isang modelo si Azi. At ngayon nga ay ganap na siyang artista nang bigyan ng Vivamax ng launching movie, ang “Pamasahe” streaming now in all Vivamax apps, sa direksyon ni Roman Perez, Jr.
Nakasama ni Azi sa “Pamasahe” sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Aj Oteyza, Rash Flores, Chad Solano, Shiena Yu, Shirley Fuentes, Joana David, Apple Castro and Julio Diaz.
Tulad ng sinabi sa sarili noong pasukin niya ang showbiz lalo na ang sexy image, game na game si Azi sa hubaran at mga daring scene.
“Kasi, maraming hopefuls na matagal na sa showbiz, pero hindi pa nabibigyan ng ganitong opportunity, so feeling sobrang blessed po ako and I told them I’m willing to do anything na ipapagawa nila sa akin sa movie,” say ni Azi.
Ano naman kaya sa palagay ni Azi ang best assest niya at pwedeng ipagmalaki sa iba pang sexy stars?
“I think it’s my butt po. Matambok po kasi siya kasi I’m an athlete and I did taekwondo, muay thai, martial arts, at pansinin po talaga ang puwet ko. It’s always being complimented,” dagdag na say ni Azi.