Loisa nanay ang turing ng syotang si Ronnie; Tiffany dinamayan ng mga kapwa sexy stars sa panahon ng problema
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
INAMIN ng Kapamilya actor na si Ronnie Alonte na sa kanyang pribadong buhay ay tumayong magulang na niya ang real life sweetheart na si Loisa Andalio.
Ayon sa kuwento ni Ronnie, na isa sa lead actor sa first movie collab ng Ten17P and TinCan Productions, ang “My Teacher”, ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Disyembre 25 bilang isa sa official entries ng 2022 Metro Manila Film Festival and directed by Paul Soriano.
Sa ginawang presscon ng ‘My Teacher’ sponsored by Winford Manila Resort & Casino, Godfather Productions ni Joed Serrano, TinCan Productions, Ten17P, Hellow
Glow by Ever Bilena, Eureka, at Shoppee, sinabi ni Ronnie na maaga siyang naging independyente sa buhay at sa kanyang journey sa buhay ay sa piling na ni Loisa siya natuto. Kaya ganun na lang ang pagmamahal ni Ronnie sa kanyang ‘my teacher’ and love in real life.
Halata na nagulat si Loisa sa tinuran ng kasintahan at hindi naging handa sa kanyang magiging tugon sa sinabi ni Ronnie kaya nawika na lang niya sa boypren kung gagayahin ba niya ang sinabi nito.
Ang “My Teacher” ay pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon kasama rin sina Carmi Martin, CaCai Bautista at Rufa Mae Quinto,
***
MUKHANG naaayon kay Tiffany Grey ang kanyang karir move na pagpapasexy, bukod kasi sa may movie na siya in lead role and isa sa official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival, ang ‘My Father, Myself’ ay may ginagawa pa siya ngayon na original serye ng Vivamax and will start streaming starting Dec.18 and 6 Sundays thereof, ang ‘Lovely Ladies Dorm’ na nakipagtalbugan sa paseksihan si Tiffany sa mga kapwa niya baguhang bombshells ng Vivamax na sina Andrea Garcia, Hershie de Leon, Yen Durano, Julia Victoria with support from Alma Moreno.
Naging maganda umano ang samahan nila ng buong cast, tila sisterette na nila ang bawat isa, andun din ang damayan.
“Yung role ko rito is a strong independent woman na jolly person lang siya na kahit may problema siya, tinatawa niya lang lahat. Which is na-learn ko siya para sa sarili ko ngayon na, kasi ako iyakin ako, eh. Tahimik lang, which is opposite ng–sobrang different ‘yung character ko sa totoong buhay ko.
There’s a scene na sobrang hindi ko makalimutan kasi ‘yung time na nahirapan talaga ako, di talaga nila ako iniwan. Lahat talaga ng girls chineer nila ako.
Like sabi ko, ‘Hindi ko na kaya,’ ganyan. Pero, tinulungan nila ako, hindi nila ako pinabayaan. So, para sa akin ‘yun ‘yung memorable na parang feeling ko hindi as a friend ‘yung turing nila sa akin, pero as a sister. Parang doon umano ‘yung tiwala ko, parang ganon po,” saad ni Tiffany.