Advertisers

Advertisers

‘Along Film Festival’, huhusgahan na ang aantig sa batang Kankaloo

0 144

Advertisers

Huhusgahan na ang mga lumahok na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa ‘Along Film Festival’ na handog ni Mayor Along Malapitan at gaganapin nitong December 15, 2022 sa Caloocan Sports Complex.

Malalaman na kung kaninong kuwento ang aantig at magmamarka sa mga Batang Kankaloo.
Pagkakalooban din premyo para sa Best Picture, Best Actress at Best Actor.

Ang bawat titik ng pangalang ALONG sinimbolo ng bawat cluster at binuo ng iba’t ibang opisina at departamento.



Ang palabas ng Team A may titulong “𝐒uper 𝐀 en da 𝐀-𝐕engers”; Team L, “𝐋abs (𝐏aramdam)” ; Team O, “𝐑oundtrip”; Team N, ‘HIRILINGAN’; Team G, “𝐏amilya Makapili”.

Patok sa ipinalabas na trailer ang Team N na may titulong ‘HIRILINGAN’ na pinagbibidahan ni Nanay Rosita na gagampanan ni Lhay Capacio, staff ng Press Information Office (PIO).

Sa buod ng istoryang ‘HIRILINGAN’, isang bicolano si Nanay Rosita, na may galak, positibong pananaw sa buhay, at “ina ng lahat” sa kanilang munisipyo.

Bagama’t positibo man ang karakter hindi parin maikukubli ang lungkot at pangungulila sa kaniyang totoong pamilya.

Kaya naman sa papalapit na araw ng kapaskuhan, kinasasabikan ni Nanay Rosita ang muling pagsasama at maasam ang kaligayahang dulot ng isang pamilya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">