Advertisers

Advertisers

SA WAKAS SINGLE TICKETING NA

0 4,654

Advertisers

MAGANDA ang mungkahi na nanggaling kay Interior and Local Goverment Secretary Benhur Abalos na ang lahat ng Metro Manila Mayor’s ay pag-isahin na lamang ang parusa at proseso sa panghuhuli sa mga pasaway na drivers.

Bunga nito, maging ang pangungumpiska ng lisensiya ng mga drivers ay suspindido muna, habang itinatakda pa ng ating labing-pitong (17) mayor sa National Capital Region (NCR) ang ‘single ticketing system’.

Madali namang nakumbinsi ni Abalos ang mga Punong Ehekutibo ng NCR dahil sila mismo ay naguguluhan na sa magkakahiwalay at magkakaibang uri ng panghuhuli at pagparusa sa mga pasaway na mga drivers.



Kasama ng mga mayor ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) sa pagbabalangkas ng ipatupad na single ticketing system.

Para kay Abalos, ang sistemang ito ay magbibigay daan din sa pagkakaroon ng database o imbakan at listahan ng mga palagiang nahuhuling mga driver na lumalabag sa mga batas trapiko.

Kasabay nito, maibabalangkas din ang unipormadong mga multa sa bawat paglabag ng mga batas trapiko gaya ng – disregarding traffic sign, attended and unattended illegal parking, number coding, truck ban and light truck ban, reckless driving, unregistered motor vehicle, driving without license, tricycle ban, obstruction, illegal counterflow, overspeeding, loading and unloading in prohibited zones, driver’s arrogance or discourteous conduct, traffic violations under special laws and violations by motorcycle drivers, including dress code, overloading, defective motorcycle accessories and unauthorized modification.

Sana nga ay mabago nito di lamang ang iba’t ibang presyo ng pagtubos ng lisensiya ng mga driver, kung di ang magulong sistema ng panghuhuli sa mga pasaway na drivers.

Para sa ating mga driver naman, ang pagbabagong ito na minungkahi ni Abalos ay makakatulong sa inyo na makapag-isip-isip din, na panahon na para kayo’y magbago at sumunod na sa mga batas trapiko.



Dahil ang mungkahi ni Abalos ay may kasama ring “demerit points” na maaaring magbunga ng pagkasuspinde ng lisensiya ng pasaway na driver o kaya’y nama’y tuluyan nang di makapagmaneho o di na mabigyan ng lisensiya ang mga “kamoteng” mga driver.