Advertisers

Advertisers

Anak ng mayor, 1 pa niratrat sa palengke

0 289

Advertisers

PATAY ang anak ng isang alkalde at kasama nito at dalawa pa ang sugatan nang pagbabarilin sa Barangay Tamnag, Lutayan, Sultan Kudarat, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Police Captain Leonel Delasan, hepe ng Lutayan Police, ang mga nasawi na sina Datu Naga Mangudadatu, 30 anyos, natalong vice mayoral aspirant ng bayan sa Maguindanao del Sur, at anak ni Lutayan mayor at dating provincial governor Mayor Pax Mangudadatu; at Dennis Hadji Daup, 25, empleyado ni Naga.

Sugatan naman sa pamamaril sina Watari Kalim, 34; at 11-anyos na lalaki na kapwa taga-Paitan.



Sa ulat, nakaupo si Naga sa harap ng kanyang business establishment sa pamilihang bayan nang dumating ang mga armadong lalaki na sakay ng isang pick-up vehicle at pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Tacurong City.

Ayon sa report, namatay si Daup habang ginagamot sa ospital. Habang nahagip ng ligaw na bala sina Kalim at ang batang lalaki.

Narekober ng mga pulisya ang mga basyo ng bala ng M-16 Armalite rifle at M-14 rifle sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">