Advertisers
SAMPUNG miyembro ng isang pamilya ang nasawi sa sunog nitong Linggo ng umaga sa Muntinlupa City.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang mga nasawi na sina Mark Gil Ladia, 39 anyos; Cherry Ladia, 39; Leandro Jose Ladia,15; Emmanuel Ladia,12; Cherise Angela; Amentues Ladia,16; Ana Ladia,33; Gil Ladia, 68; Claire Ladia; at Jerome Ladia, 65.
Kabilang sa mga nasawi ang limang buwan palang na sanggol.
Batay sa ulat, na-trap ang mga nasawi sa loob ng kanilang bahay sa may bahagi ng Bruger St., Barangay Putatan kungsaan nagsimula ang sunog.
Ayon kay Fire Supt. Eugene Briones, naiulat ang sunog na nasa first alarm 9:02 ng umaga at nadeklarang fire under control 9:25 ng umaga.
Sabi ni Briones, isang bahay lang ang sangkot sa sunog at ang mga biktima ay magkakamag-anak.
Patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog. (Gaynor Bonilla/Jojo Sadiwa)