Advertisers
ISINIWALAT ni Pope Francis na matapos siyang mahalal noong taong 2013 ay pumirma siya ng isang liham ng pagbibitiw upang magamit kung balang araw ay magkaroon siya ng malubha at permanenteng problema sa kalusugan kaugnay ng pagsasagawa niya ng kanyang mga tungkulin.
Si Pope Francis, na naging 86 taong gulang noong Sabado ay nasa mabuting kalusugan sa ngayon maliban sa isang karamdaman niya sa kanyang tuhod.
Ayon sa kanya, ibinigay niya ang sulat kay Cardinal Tarcisio Bertone, Kalihim ng Estado ng Vatican noon, na isang holdover mula sa nakaraang pagpasiya ni Benedict XVI.
Nanatili si Bertone sa posisyon nang humigit-kumulang anim na buwan matapos mahalal si Francis noong Marso 13, 2013.
Matatandaang, madalas na sabihin ni Pope Francis na magbibitiw siya kapag naging hindi maging maganda ang kanyang kalusugan sa pagpapatakbo ng 1.3 bilyong miyembro ng Roman Catholic Church.