Advertisers
NATIMBOG din ang holdaper na pulis na umatake sa isang gasolinahan sa Barangay Poblacion Trinidad, Bohol Sabado ng tanghali.
Ang holdaper na parak ay kinilalang si Sr. Sergeant Conchito Payac, 33 anyos, nakatalaga sa Dauis Police Station.
Ayon kay Colonel Lorenzo Bataun, direktor ng Bohol Provincial Office, si Payac ay dinakip matapos ang masusing imbestigasyon sa AVA Oil gasoline station robberies sa Purok 4, Barangay Poblacion Trinidad.
Kinilala ng mga testigo si Payac na siyang nangholdap ng dalawang beses sa gasoline station.
Sinabi ni Batuan na lulong sa bisyong sabong si Payac. Aniya, maaring hindi na nito kayang suportahan ang kanyang bisyo kaya nanghoholdap na.