Advertisers

Advertisers

5 PULIS NA DUMUKOT AT NANGULIMBAT SA E-SABONG AGENT SINIBAK SA SERBISYO

0 156

Advertisers

TINANGGAL na sa serbisyo ang limang pulis na sangkot sa kidnapping-robbery sa isang e-sabong executive sa Laguna noong 2021.

Ito ang inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Colonel Jean Fajardo sa isang ambush interview.

Ang mga pulis na inalis sa serbisyo at nahaharap pa sa kasong kriminal sa korte sa Laguna ay sina Staff Sergeant Daryl Paghangaan, Patrolman Roy Navarete, Patrolman Rigel Brosas, Lieutenant Henry Sasaluya, at Master Sergeant Michael Claveria.



“Napirmahan na ‘yung dismissal case nila, I think, last week,” sabi ni Fajardo.

“Kailangan lang po talaga maipa-receive sa kanila officially para at least they will be given the opportunity, as part of due process, to appeal yung recommended penalty sa kanila,” dagdag ng opisyal.

Nitong Lunes, inanunsyo ng Department of Justice (DoJ) na sasampahan nito ng kaso sina Paghangaan, Navarete, at Brosas para sa robbery at kidnapping sa e-sabong agent na si Ricardo Lasco.

Sinabi ng DOJ na ang mga reklamo laban kina Sasaluya at Claveria ay na-dismiss dahil sa “lack of probable cause”.

Pero sinabi ni Fajardo na ang “administrative case” para sa “grave misconduct” ay isinampa laban kina Sasaluya at Claveria. Sila’y tinanggal sa serbisyo dahil malakas ang ebidensiya laban sa kanila.



“Although doon sa nirekomenda na kaso ng DOJ ay 3 lamang po ‘yung nahanapan ng probable cause and corresponding information will be filed against these 3, but ‘yung five na-involve dito ay nakitaan ng substantial evidence doon sa kanilang admin case at ang recommendation sa kanila ay dismissal from service,” sabi ni Fajardo.(MARK OBLEADA)