Advertisers

Advertisers

Higit P7.2 bilyong droga sinira sa Cavite

0 184

Advertisers

MAHIGIT sa P7.27 bilyong halaga ng droga ang sinira nitong Martes sa Trece Martires City, Cavite.

Ang sinirang droga ang mga nakuha sa anti-illegal drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pati ng ibang law enforcement agency at military unit.

Pinakamarami rito ang shabu na nasa P7.21 bilyon, sunod ang marijuana na nagkakahalaga ng P38 milyon at cocaine na nasa P1.2 milyon.



Pinangunahan ng bagong upong PDEA Director General na si Moro Virgilio Lazo ang aktibidad, na dinaluhan din ni Dangerous Drugs Board chairman Catalino Cuy.

Ayon kay Lazo, sinusubukang gawin ang pagsira sa mga nasasamsam na droga kada tatlong buwan pero hindi kinakaya.

“Talagang hindi makaya. Factor din sa amin ang galing sa ilang law enforcement agencies and court orders,” ani Lazo.

Muling iginiit ni Lazo na “isolated case” lang ang pagkakadawit sa droga ng hepe ng PDEA Southern District Office pati ng ilang ahente nito.

Na-reassign na ang lahat ng mga tauhan sa Southern District Office, ayon kay Lazo.
(Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">