Advertisers

Advertisers

LOAD FACTOR AT FORWARD BOOKINGS NG AIRASIA PHILIPPINES, TUMAAS

0 170

Advertisers

ISINASARA ng AirAsia Philippines ang 2022 sa mataas na tala at kumpiyansa na lalampas pa ito sa inaasahan na pagdating ng taong 2023 kaugnay sa load factor at forward booking.

Noong Disyembre 19, ang pinakamagandang Low-Cost Airlines sa Mundo ay nakapagtala ng load factor na 93%. Ang mga top performing na destinasyon na gusto ng mga bisita para sa domestic travel ay ang Zamboanga na may 98% load factor; Puerto Princesa at Roxas na may 95% load factor.

Sa kabilang banda, ang Bangkok ay nanguna sa listahan ng pinakamaraming nai-book na mga internasyonal na destinasyon na may 92% na load factor, habang ang Incheon ay pumangalawa na may 90% load factor.



Samantala, ang mga forward booking para sa buwan ng Enero 2023 ay umabot na sa 285,000 na isang 70% na pagtaas kumpara sa mga nabenta sa parehong buwan noong 2022.

Ibinahagi ni AirAsia Philippines Chief Executive Officer Ricky Isla na “ We are seeing a robust travel demand next year,especially as travelers now become more comfortable with locking their trips ahead of time. A more relaxed protocol for international destinations has also set the pace for outbound travel which we expect to pick-up next year as we open new exciting destinations”.

Para hikayatin ang mas maraming bisita na bumisita sa kanilang mga paboritong destinasyon ay pinalawig ng AirAsia Philippines ang “Low Fare Holideals” na promo nito hanggang Enero 8,2023 kung saan sa kasingbaba ng Php112 one-way base fare, maaaring mag-book ang mga pasahero ng flight sa alinmang AirAsia domestic at international destination para sa paglalakbay hanggang Hunyo 30,2023

Ang halaga ng pamasahe ay nakikita ring bahagyang mag-aadjust sa susunod na buwan dahil ang Level 7 fuel surcharge ay nakatakdang magkabisa mula sa Enero 15,2023.

Ang Level 7 fuel surcharge ay nangangahulugan na ang mga pasaherong bumibiyahe sa Enero ay sisingilin lamang ng fuel surcharge sa pagitan ng Php 219 hanggang Php 708 para sa mga domestic flight at mula Php722.71 hanggang Php 1,124.26 para sa mga international flight, depende sa distansya.



Para naman sa lahat ng Cebu at Caticlan (Boracay) flights ay pinaalalahanan ng AirAsia Philppines ang mga mananakay nito na aalis sila at darating sa NAIA terminal 3 kasama ang mga international flights habang ang domestic flights naman ay mananatili sa NAIA terminal 4. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)