Advertisers
KUMPIYANSA si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Allan Tanjusay na mas marami pang rebelde ang susuko at magbabalik-loob matapos mamatay ang founder ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na si Jose Maria Sison.
Sinabi ito ni Tanjusay kasabay ng awarding of lifelihood settlements para sa mga rebeldeng nagbalik-loob at sumuko sa NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Taguig.
Ayon kay Usec. Tanjusay, bago pa mamatay si CPP-NPA Joma Sison ay marami nang lumapit sa DSWD matapos tumiwalag sa mga rebelde.
Sa ngayon aabot na sa P200-milyon ang naipamahaging tulong sa mga rebeldeng nagbalik-loob at wala pa naman silang namo-monitor na nanloko sa programa sa panahon ng Marcos administration.
Samantala, pagod na sa maling gawain at tiwala sa gobyerno ang dahilan ng isang sumukong leader ng rebeldeng grupo.