Advertisers

Advertisers

Kamatayan bloc lumantad na

0 151

Advertisers

TODO puri at pasasalamat ang mga pahayag ng Kamatayan Bloc, ehem, Makabayan Block pala sa Kongreso, sa pagkamatay ni Jose Maria “Joma” Sison – ang founder ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Isa raw sa pinakamagiting na Filipino si Joma, ang sabi ng Makabayan Block sa Congress na dati’y kinabibilangan ng mga party list group na Kabataan, Bayan Muna, ACT Teachers, Anakpawis at Gabriela Women’s Party. Ngayon ay tatlo na lamang, ang Kabataan, ACT Teachers, at Gabriela.

Dapat nga raw, dagdag pa ng Makabayan Block ay dakilain at alalahanin si Joma, at nangako pa ang mga ito na itutuloy ang sinimulan ni Joma na pakikibaka at pakikipaglaban sa pamahalaan.



Nangangahulugan, ang mga miyembro ng Makabayan Block, simula’t sapul na maisabatas ang partylist system, ay sinamantala na ng mga ‘hunyangong’ mambabatas na mga to, ang partylist system at sila mismo ang umaamin na sila ay kasapi ng grupo sa kabila ng kanilang mga “ligal” na prente.

Para po sa kaalaman ng Makabayan Block, alam na ng maraming Filipino na si Joma Sison ang founder ng CPP-NDF-NPA na idineklara ng mga “komunistang-terorista” di lamang dito sa ating bansa, kung di sa marami pang bahagi ng mundo.

Ang panggugulo sa marahas na pamamaraan ng CPP-NPA-NDF sa kautusan ni Joma, ay kailanman di papayagan ng talagang mga Filipinong nagmamahal sa bayan. Kaya nga bawat Administrasyong namumuno sa Malacañang at sa bayan ay nilalabanan si Joma at ang CPP-NPA-NDF.

Ang di lamang magawa ng pamahalaan dahil sa diwa ng demokrasya at pag-galang bilang sa mga mambabatas ay kalusin na rin ang mga sungay ng Makabayan Block.

Ngunit di diyan nagtatapos ang laban sa CPP-NPA-NDF, nagawa na ng nakaraang Administrasyong Duterte, na halos malipul ang mga miyembro nito, at ipakilala, na mga komunistang-terorista talaga, ang mga miyembro ng Makabayan Block.



Ang resulta ng laban na yan sa Makabayan Block ay nakita sa kinalabasan ng nakaraang halalang May 2022, kung saan tatatlo na lamang na Makabayan Block partylist group ang nanalo sa pamamagitan ng panlilinlang sa ating mga kababayan na sila ay ang tunay na kinatawan ng taong bayan. Utot niyo!

At ang pagkamatay ni Joma ay di magiiwan ng maganda niyang mga nagawa sa bayan, kung di, ang mga kalabisan at pamamaslang ng mga CPP-NPA-NDF sa mga inosente nating mga kababayan. Maging ang kasinungalingan ng Makabayan Block ay di malilimutan ng taong bayan.